Tuesday 5 June 2012

Pangungusap na walang paksa

Narito ang mga pangungusap na walang paksa 1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaring ginawa na at kailangan lamang pasalamatan. Halimbawa: a. Salamat.(po) b. Maraming salamat.(po) 2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang tao at nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap Halimbawa: a. Allan! b. Korina! 3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring may kinalaman sa kalikasan Halimbawa: a. Umuulan na. b. Lumilindol. 4.Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taong binabati Halimbawa: a. Magandang Araw. b. Maligayang pagbati sa iyo. 5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap ang pinagpaalaman ng aalis Halimbawa: a. Paalam na.(po) b. Hanggang sa muli.(po) 6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon. Halimbawa: a. Pasko na! b. Bertdey mo na. 7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanong Halimbawa: a. Oo. b. Hindi. c. Baka. 8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nang pahayag na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit. Halimbawa: a. Saan? b. Ano? c. Ha? 9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang inuutusan. Halimbawa: a. Lakad na. b. Sulong! c. Halika. 10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki. Halimbawa: a. Pakidala nito. b. Makikiraan.(po) 11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagang kay at napaka. Halimbawa: a. Kaybuti mo! b. Napakatamis nito! 12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadarama Halimbawa: a. Aray! b. Ay! 13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang may mayroon at wala. Halimbawa: a. May pasok ngayon. b. Walang tao riyan.

Tayutay

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin. 1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles. Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. 2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan. 5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan. 6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili. 5. Ahas siya sa grupong iyan. 3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Halimbawa: 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. 3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. 4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap. 4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: 1. O tukso! Layuan mo ako! 2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. 3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. 4. Ulan, ulan kami'y lubayan na. 5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. 6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: 1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. 2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan. 3. BUmabaha ng dugo sa lansangan. 4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles Halimbawa: 1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. 3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: 1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. 2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan. 3. Walang bibig ang umasa kay Romeo. 4. Hingin mo ang kaniyang kamay. 10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: 1. Patay tayo dun. 11. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? 12. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. 13. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa. Hal. "Ang Mabuting Samaritano" "Ang Alibughang Anak" ________________________________________ Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. Ilang Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig, Dahon ay nalalanta munting di madilig -Francisco Baltazar, Florante at Laura 2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan. Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga. 3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. 4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. 5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. 6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. 8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. 9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? 10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. 11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa. Hal. "Ang Mabuting Samaritano" "Ang Alibughang Anak" ________________________________________ TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...", MGA URI NG TAYUTAY 1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa. =halimbawa= 1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis 2.babaeng parang pagong sa bagal 3.lalakeng tila hari kung mag-utos 4.batang mukhang higante sa laki 5.aleng parang reyna kung mag-kumpas 2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing. =halimbawa= 1.ipu-ipong sasakyan 2.babaeng pagong 3.batang higante 4.perlas na ngipin 5.ting-ting n balerina 6.palasyong bahay 7.kutis porselana 8.paraisong lugar 3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa. =halimbawa= 1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan 2.masayang umihip ang hanging amihan 3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga 4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot 5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan ________________________________________ Mga Uri ng Tayutay • Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. • Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. • Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. • Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. • Pag-uulit • ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod. o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. o Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. • Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. • Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles. • Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. • Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. • Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. • Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. • Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. • Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Blangko Berso

Berso Blangko ito ay isang uri ng tula na may sukat na labindalawa ngunit walang tugmaan ang mga taludturan Berso Blangko Unti-unting hinihipan ng plawta ang kalyadong puso Hayagang iniuukit ang melodiyang nauulinigan Isinisilid sa basyo ng tinta ang luhang nakikita Ang bawat kulay, ang bawat himno, ang bawat indayog ay ako. Itinangay ng maragasang linya ang siphayo Itinutuwid nito ang baluktot na paningin Ang larawang namasdan ang nagtilip sa basag na bukas Ang bawat linya, ang bawat kurba, ang bawat alon ay ako. Isang daluyong ng kulay ang umakay sa liwanag Nabanaagan ng hapung-hapong mga mata ang pagsilay ng kahapon Sumilay ang rikit ng bukas sa mapusyaw na araw Ang bawat kulay, ang bawat pagpinta, ang bawat rikit ay ako. Naulinigan ng murang katawan ang himig ng paglaya Inililipad ng bawat nota ang tulo ng luhang itinatago Itinaboyng awit ang isang delubyong nanuot sa isp Ang bawat nota, ang bawat awit, ang bawat melodiya ay ako. Sa pagsaliw ng isip sa titik, lumabas ang ikinukubling bugso Iwinaksi nito ang litanya ng matinding pagdurusa Sa patuloy na paghahabi ng talumpati, nmaglaho ang apoy Ang bawat titik, ang bawat parirala, ang bawat pangungusap ay ako. Sa saliw ng gitara, lumukso ang aking mga selula Nadama ng buong katawan ang indayog ng paglaya Isinuko ang buong kalamnan sa sumpa ng tugtugin Ang bawat indayog, ang bawat indak, ang bawat imbay ay ako. Ako ang bawat obrang lulunas sa pagdarahop Ako ang bawat inadak at musika na kikitil sa siphayo Ako ang pariralang kukumpleto sa naghihintay na tala Ako ang berso ng paglipad na hihilom sa sugat sa paglaban. ALAALA ng mga NAIWAN ni Jose Lacaba Si Bantay na asong hari na ng tapang Tigasin, ang maton ng sangkaasuhan, Ngayon ay narito sa aming bakuran, Hindi gumagalaw, matigas na't patay. Marami ang galit kay Bantay, alam ko. Una na'y ang kanyang mga kapwa-asong Sa away ay lagging sugatan at talo. Pero marami ring galit na tao - Mga kinahulan, tinakot, hinabol, Mga nasaksakan ng ilang iniksiyon. Ako man, madalas, galit sa asong iyan - Ang tigas ng ulo, di mapagsabihan. Ang tingin ko ngayon sa ayos ng bangkay, matapang na lason yata ang pumatay - walang dugo't sugat; wala kahit latay. Pataksil pinawi ang tapang ni Bantay. Sapagkat si Bantay, aso naman namin, Sa aming looban ko siya inilibing. Pero para sa kanya'y walang dalangin, Ni walang hagulgol na handog ang hangin. PAGSUSURI Malawakang Pagtanaw May kasabihan tayo sa wikang Ingles na "A dog is a man's best friend". Ang mga aso ay madaling turuan, malambing at masunurin kumpara sa mga pusa at higit sa lahat, pinagtatanggol nila ang kanilang mga amo sa sinumang umatake o umaway dito. Gaya ni Saver na natampok sa balita nang maraming beses dahil sa marami niyang kakayahan na hindi karaniwan sa ibang aso. Marami na ring pelikula tulad ng "Lassie" at "Homeward Bound" kung saan ang bidang karakter ay mga aso. Kaya naman marami sa atin ang gustong magkaroon ng kaibigang aso na magbabantay sa atin. Ngunit paano kung ang asong inaasahan mong magbabantay at magtatanggol sa iyo ay siya pang magdudulot ng perwisyo sa buhay mo? Kaya mo bang lumuha sa oras na siya'y mamatay? O paiiralin mo pa rin ang iyong galit sa kanya? Gaano mo kaya kamahal ang iyong alagang aso Ito marahil ang naramdaman ng may-akda na si Jose Lacaba nang isulat niya ang kanyang tulang "Alaala ng mga Naiwan". Ang tulang ito ay tungkol sa pagkamatay ng asong si Bantay na siyang pinakasiga sa lahat ng aso sa kanilang lugar. Dahil dito galit sa kanya ang mga kapwa niya aso. Pati mga tao ay galit sa kanya sapagkat siya'y nananahol, nananakot, at nanghahabol. Marami na rin siyang nakagat na tao kaya naman pati amo niya ay galit na sa kanya. Kaya noong siya'y namatay, inilibing lang siya sa bakuran ng kanyang amo ngunit walang inalay na dalangin ni pumatak na luha para sa kanya. Pagtatalakay Ang tulang ito ay isang elihiya o dalitlumbay at nauuri na tulang pandamdamin o liriko. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at saloobin ng persona sa tula tungkol sa pagkamatay ng kanyang asong si Bantay. Ito ay isang blanko bersong tula na may sukat na lalabindalawahin ngunit walang tugmaan ang mga taludturan. Galit ang damdaming ipinahahayag ng persona sa tula. Hinanakit dahil sa perwisyong nagawa ng asong si Bantay noong siya ay buhay pa. Ngunit ito ay nagpapahayag din ng pagkaawa sapagkat inilibing pa rin si Bantay sa bakuran ng kanyang amo kahit hindi siya naging mabait at masunurin. Gumamit ng guni-guning naglalarawan ang makata upang pukawin ang imahinasyon ng mambabasa. Inilarawan niya nang mabuti ang ayos ng bangkay ni Bantay upang maisip ng mga mambabasa ang biswal na imahe na nais ipakita ng may-akda. Ang guni-guning naglalarawan ay nakapaloob sa una at pang-apat na saknong. Hindi pormal ang ginamit na pananalita sa tula. Gumamit ito ng mga salitang kanto tulad ng maton at latay. Gumamit din ng mga tayutay sa tula tulad ng "wala kahit latay", "ni walang hagulgol na handog ang hangin" na isang halimbawa ng pagmamalabis at pagtatao. Ang tulang ito ay nagpapahayag ng saloobin ng amo sa kanyang aso na maaari rin namang iimplika sa saloobin ng tao sa kapwa niya tao. May kasabihan tayo sa wikang ingles na "forgive and forget" o magpatawad at kalimutan na ang naging away o hindi pagkakaunawaan. Madali itong sabihin ngunit mahirap gawin. Madalas nating marinig sa mga kakilala natin ang linyang ito "papatawarin ko siya pero mahirap kalimutan ang nagawa niya". Marami nang magkaibigan ang nag-away at nagkabati ngunit hindi pa rin nabalik sa dati nilang pagsasamahan. Ito ay dahil halos natural na sa tao ang magtanim ng sama ng loob. Marahil ito ang malalim na pagpapakahulugan ng tula. Na ang mga tao, magpatawad man, hindi pa rin nakalilimot sa nagawang kasalanan sa kanila kaya nabubuo ang galit at hinanakit sa kapwa tao. Napakasakit din isipin na kahit patay na ang nakagawa ng kasalanan ay hindi pa rin makayang magpatawad ng lubusan. DALOY Sa kabila ng lahat, Nagpatuloy pa rin ang lakad Hinayaang dumampi ang init ng araw Hinayaang mapagod ang binti Hinayaang magunahan ang mga paa Hindi kasalanan ang pagiisa Banal lang ang naniniwala Baliw lang ang gumagawa Sa dulo’y mapapawi din ang uhaw Dahil tulad mo hindi tumitigil ang daloy ng tubig
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
View more PowerPoint from anakniapat
"> Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon — Presentation Transcript 1. Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon 2. Panahon ng KatutuboBago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nangsining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mgabulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan naanyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyanat ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunanganyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ringnasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis nabato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira itong mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga itoay gawa ng demonyo. 3. Pananakop ng Kastila• Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon. 4. Dahil sa pananampalataya ang pangunahingpakay ng mga Kastila, karamihan sa mgaunang akdang nalikha sa panahong ito ayhalos paksang pananampalataya. Halimbawaaytulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rinang nagpakilala ng konseptong maharlika odugong bughaw sa mga Pilipino na mababatidsa mga akdang awit na ang mga pangunahingtauhan ay mga hari, reyna, prinsipe atprinsesa – isang patunay ang awit na Floranteat Laura ni Balagtas. 5. • Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.• Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong 1953 na isang panrelihiyong aklat. Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. 6. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sapanahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikangnalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayangPilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhingdiskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mgakilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sapamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikangnagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista napinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 nanaglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansangbilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sailalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin angkalayaan at demokrasya.” 7. • Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag- panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag- panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din. 8. Pananakop ng AmerikanoDahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mgaKastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nangdumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sapamahalaang Kastila.Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila saPilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamanang mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mgailang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog. 9. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikanosa bansa, sumulat ang mga Pilipino saKastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan.Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikansa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silangna manunulat.Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sinasi Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makatang Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na‘Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw angipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng 10. Pananakop ng Hapon• Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha. 11. • Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7) 12. KASALUKUYANG PANAHON• Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez. 13. • Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.• 14. END

Kailanan ng Pang-uri


Kailanan ng Pang-uri
a.      Isahan
Karaniwang payak ang pang-uri at nagpapakilala sa tulong
ng pamilang ng isa, mga panghalip na isahan at ng panandang
ang at si.
Halimbawa:
Isang masipag na magwawalis si Mang Tasyo.
b.      Dalawahan
Nakikilala ito sa pang-uring pamilang na dalawa: sa paggamit
ng unlaping magsing-, magka-, magkasing-, at ng iba pang
unlaping
kapwa, kambal, at iba pa.
Halimbawa:
Kapwa masipag ang mag-asawang Tomas at Nena.
c.       Maramihan
Ginagamitan ito ng panandang pangmaramihan tulad ng:
mga; ng pang-uring pamilang na maramihan tulad ng tatlo,
sampu, sandaan at iba pa; at ng pang-uring inuulit ang unang
pantig ng salitang ugat tulad ng magaganda, ang yayaman, at
iba pa.
Halimbawa:
Himbing na himbing pa ang mga taga-baryo.
Ang dami-dami ng kalat sa labas ng bakuran ni Aling Iska.


Pang-uring Pamilang



Ang mga pang-uring pamilang ay ang mga sumusunod:

1. Patakaran - ito ay ang karaniwang paraan ng pagbilang.
Halimbawa:
Sampung mag-aaral ang tumanggap ng paghanga.
Sanlibong punongkahoy ang itinanim ng mga magsasaka.

2. Panunuran nagsasaad ng ayos o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
Siya ay ikalawang humingi ng tulong.
Ako ay ikalima sa hanay.

3. Patakda - ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong bilang.
Halimbawa:
Sasampung piso ang natira sa pera niya.
Si Teresa ay nag-iisang anak.

4. Pahalaga - ito ay tumuturing sa halaga ng isang bagay.
Halimbawa:
Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
Mamera ngayon ang halaga ng mga bayabas.

5. Pamahagi - nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan.
Halimbawa:
Kalahatiang ibinigay ko sa kanyang buwanang sahud.
Kunin mo ang ikatlo ng pizza.

6. Palansak - nagsasaad ng maramihan o minsanang bagay.
Halimbawa:
Daang-libong piso ang pinuhunan ko sa kalakal.
Ang sasakyang ito ay may upuang pandalawahan.

Ponema


Ponema

Ponema -  ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.
                0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
                   suprasegmental.

            Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
                                   kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabeto.
            Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
                                           (tune), haba (lengthening) at hinto
                                           (Juncture).

Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.

1.       Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
    pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng  salita:
                                          bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
                                          bukas = hindi sarado
2.       Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng 
   binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
                                          BU:hay = kapalaran ng tao
                                          bu:HAY = humihinga pa
                                          LA:mang = natatangi
                                          la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.       Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
    mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
    3  sa mataas.
* halimbawa ng salita:
                              Kahapon = 213, pag-aalinlangan
                              Kahapon = 231, pagpapatibay
                              talaga = 213, pag-aalinlangan
                              talaga = 231, pagpapatibay                                
4.       Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
   malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
   o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
                                          Hindi, siya ang kababata ko.
                                          Hindi siya ang kababata ko.