Ponema
Ponema - ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang
tunog.
0Ang
pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
suprasegmental.
Segmental
= ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
kinakatawanan
ng isang titik sa ating alpabeto.
Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
(tune), haba (lengthening)
at hinto
(Juncture).
Sa pakikipagtalastasan, matutukoy
natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at
hintosa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Haba
* ito ay ang pagbigkas nang
mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong
tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa
ng salita:
bu.kas
= nangangahulugang susunod na araw
bukas
= hindi sarado
2. Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng
salitng
binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay
= kapalaran ng tao
bu:HAY
= humihinga pa
LA:mang
= natatangi
la:MANG
= nakahihigit; nangunguna
3. Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa
kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at
mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman
at blg.
3 sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon
= 213, pag-aalinlangan
Kahapon
= 231, pagpapatibay
talaga
= 213, pag-aalinlangan
talaga
= 231,
pagpapatibay
4. Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging
malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na
pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
Hindi,
siya ang kababata ko.
Hindi
siya ang kababata ko.
No comments:
Post a Comment